Ang ika-100 taong anibersaryo ng Rebolusyong Bolshevik
7 Nobyembre 2017
LLCO.org
Ang ika-7 ng Nobyembre, 2017 ay ang ika-100 taong anibersaryo ng Rebolusyong Bolshevik. Ipinagdidiwang natin ngayon ang malaking breyktru ng kauna-unahang matagumpay na sustinidong pagwawagi ng proletaryado. Bago ang 1917, nagkaroon na ng ibang rebolusyon, ngunit hindi nila matagumpay na nakonsolida ang kapangyarihan. Mabilis silang nagapi ng kontra-rebolusyon. Gayunman, ang rebolusyong Bolshevik ay tumagal nang higit sa tatlong dekada bago rin ito nagapi. Ang rebolusyong Bolshevik ay ang tugatog ng unang dambuhalang alon ng mga rebolusyong proletaryo. Tignan natin ang ilang magagandang nagawa ng Unyong Sobyet:
1. Ang kauna-unahang proletaryong estado. Sinabi ni Lenin na kung walang kapangyarihang pang-estado, lahat ay ilusyon. Una sa kasaysayan na nagawang ikonsolida ng ating uri ang hawak nito sa kapangyarihang pang-estado. Kaysa maging isang kasangkapan ng mga reaksyunaryo upang supilin ang mamamayan, ang estado ay ginamit upang patahimikin ang mga kontra-rebolusyonaryo at upang maisulong ang rebolusyon. Mula sa itaas ng kapangyarihang pang-estado, tayo’y nakapagsimula upang gawin muli ang kabuuan ng lipunan.
2. Kauna-unahang matagumpay na planadong ekonomya. Ang Unyong Sobyet ay ang kauna-unahang pagtatangka ng proletaryado na magtayo ng isang ekonomya na organisado para paglingkuran ang sambayanan. Ito ang kauna-unahang pagtatangka na magtayo ng isang ekonomya kung saan ang mga inaapi ay hindi hawak ng mga walang-awang pwersa ng pamilihan. Natakasan ng proletaryado at ng mga inaapi ang anarkiya ng produksyon, sa ibang salita, kapitalismo. Sa halip, nailagay ang produksyon sa ilalim ng pangangasiwa ng estado at partido ng proletaryado.
3. Malaking igpaw. Sa ilalim ng proletaryong pamumuno, ang Unyong Sobyet ay nagsimula sa pagiging atrasado hanggang naging isang modernong superpower na nagawang hamunin ang imperyalismo sa pandaigdigang entablado. Sa ilalim ng Tsar, iilang mga syudad lang ang ginawang industriyalisado. Sa ilalim ng pamumuno ng ating uri, isang buong bansa ang pinaunlad. Napagtagumpayan pati na rin ang atomo. Ang Unyong Sobyet ay naging ikalawang pinakamalakas na bansa sa daigdig.
4. Pagkagapi ng pasismo. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagdusa ang mamamayang Sobyet sa higit 26 milyong namatay, mas maraming kaswalti kaysa sa lahat ng iba pang bansang pinagsama-sama. Ang Dakilang Digmang Patriyotiko ay isang digmang bayan laban sa pasismo. Ang mamamayang Sobyet ang siyang mga mandirigmang nasa unahan ng pakikibaka laban kay Hitler at sa kanyang kasuklam-suklam na rasistang ideolohiya. Kung sakaling hindi naitatag ang Unyong Sobyet, ang mga tropa ni Hitler ay nakapagmartsa siguro hanggang dagat Pasipiko. Maaaring nanalo sila sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nagawa sa Silangang Europa at Asya iyong ginawa ng Estados Unidos sa mga mamamayang katutubo nito. Sa katunayan, kinuha ni Hitler ang henosidyo at “Manifest Destiny” na inilunsad ng Estados Unidos bilang modelo niya. Ang Unyong Sobyet, ang Pulang Hukbo nito, ang ating Partido na pinamunuan ni Stalin ay napigilan ang mga mamamatay-taong hukbo ni Hitler.
5. Bagong kulturang proletaryo. Ang lumang kultura ang siyang nagpalaganap ng rasismo, sobinismo, seksismo, mga pribilehiyo, at di pagkakapantay-pantay. Una sa kasaysayan, na ang inaapi at inaalipin ang siyang may hawak sa sining at midya. Nailuwal ang isang bagong kulturang proletaryo upang maipalaganap ang mga kahalagahan ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay at pagpapasya-sa-sarili. Ang ating sining at ang ating awitin ay nakita at nadinig sa buong daigdig.
6. Pagsusulong at pagpapalaganap sa Marxismo. Pinalalim ng Rebolusyong Oktubre ang ating pagkakaunawa sa rebolusyonaryong syensya. Binuo ni Lenin ang kanyang teorya ng estado, ng dalawahang kapangyarihan, ng talibang partido, ng pagpapasya-sa-sarili ng mga bayan mula sa rebolusyonaryong karanasang Bolshevik. Ang mga kontribusyon ni Lenin ay naging susing bahagi ng Marxismo ngayon, ng Komunismong Patnubay Liwanag. Isang bansang bumabagtas sa 1/6 ng kabuuang kalupaan ng daigdig ay sa ngayo’y napalaya na, nagsilbing baseng erya upang maipalaganap ang ating syensya at rebolusyon sa buong daigdig. Kaya naging Marxismo-Leninismo ang Marxismo ay dahil sa karanasang Bolshevik. Ang rebolusyonaryong syensya ay napaunlad sa ganap na panibagong yugto. Ang Marxismo-Leninismo ay ang ikalawang yugto ng rebolusyonaryong syensya. Ipinalaganap ng rebolusyon ang rebolusyonaryong syensya sa buong daig; ipinalaganap nito ang Marxismo-Leninismo.
Hindi perpekto ang Unyong Sobyet. Ang ating rebolusyon sa Unyong Sobyet ay nagapi ng kontra-rebolusyon. Lumitaw ang isang bagong uring kapitalista at binaligtad ang ating mga malalaking tagumpay; sa wakas ay nakonsolida nila ang kanilang kontra-rebolusyon noong 1950s. Hindi naman nawala ang lahat. Ang unang dambuhalang alon ng rebolusyon ay nagbigay inspirasyon sa ikalawa. Sa ilalim ng Maoistang pamumuno, higit pang naisulong ang rebolusyong Tsino. Dapat tayong matuto sa nakaraan at magpakahusay, at nang magawa natin nang mas mahusay sa susunod na pagkakataon. Sa kabila ng mga kapintasan nito, ang karanasang Sobyet ay maraming maituturo sa atin ngayon.
Sa kasalukuyan, ang mamamayan ng daigdig ay napanghinaan ng loob. Wala silang makitang daan palabas sa kahibangan ng kapitalismo-imperyalismo: kahirapan, gutom, digmaan, di pagkakapantay-pantay, sobinismo, rasismo, pambansang pang-aapi, patriyarka, malaking sakunang pang-ekolohiya. Ang higit na nakararaming tao ay nagugutom sa Ikatlong Daigdig samantalang iyong mga nasa Unang Daigdig ay tumataba. Isang minorya ang nabubuhay sa kapinsalaan ng higit na nakararami. Sinasabi ng mga imperyalista na patay na ang komunismo, na ang kasaysayan ay nasa huling yugto nito. Sinasabi nilang imposible ang sosyalismo at komunismo. Sumagot tayo sa pamamagitan ng pagturo sa kasaysayan. Ang Unyong Sobyet ay isang nagluluningning na tanglaw, sa kabila ng mga kapintasan nito. Sinagisag nito ang pag-asa para sa mamamayan sa lahat ng dako. Pinatunayan ng pagkabuhay nito na posible ang isa pang daigdig. Posibleng makontrol ng mamamayan ang sarili nilang buhay. Hindi lang pagsasamantala at pang-aapi ang tanging paraan ng pamumuhay. Ang mga komunista ay parating nasa unahan ng mga pakikibaka upang gumawa ng mas mabuting paraan. Tayo’y mga patnubay liwanag na nagpapakita sa daan patungo sa magandang kinabukasan.