Ang ika-100 taong anibersaryo ng Rebolusyong Bolshevik

Ang ika-7 ng Nobyembre, 2017 ay ang ika-100 taong anibersaryo ng Rebolusyong Bolshevik. Ipinagdidiwang natin ngayon ang malaking breyktru ng kauna-unahang matagumpay na sustinidong pagwawagi ng proletaryado. Bago ang 1917, nagkaroon na ng ibang rebolusyon, ngunit hindi nila matagumpay na nakonsolida ang kapangyarihan. Mabilis silang nagapi ng kontra-rebolusyon. Gayunman, ang rebolusyong Bolshevik ay tumagal nang higit sa tatlong dekada bago rin ito nagapi. Ang rebolusyong Bolshevik ay ang tugatog ng unang dambuhalang alon ng mga rebolusyong proletaryo. Tignan natin ang ilang magagandang nagawa ng Unyong Sobyet:

Mahalaga pa ring bakahin ang pagsamba sa libro

Pinuna at kinutya ni Mao iyong mga may metapisikal, dogmatikong konsepto sa mga libro at kaalaman:
“Anumang nakasulat sa libro ay tama – gayon pa rin ang pag-iisip ng mga magsasakang Tsino na atrasado sa kultura. Kataka-taka pa, sa loob ng Partido Komunista mayroon ding mga taong laging nagsasabi tuwing may diskusyson, “Ipakita ninyo sa akin kung saan iyan nakasulat sa libro.”

Mabilisang tingin sa ilang pagkakamali ni Mao

Si Mao Zedong ang pinakadakilang rebolusyonaryo ng nakaraang siglo. Pinangunahan ni Mao ang sangkapat ng daigdig sa pagtatapon ng mga kadena ng imperyalismo, pyudalismo at kapitalismo. “Ang Tsina ay tumindig,” inihayag niya mula sa paanan ng Tian’anmen. Sangkapat ng populasyon ng daigdig ay ipinagkatiwala ang lahat sa rebolusyon ni Mao, upang magtayo ng isang bagong daigdig na walang pang-aapi. Mula sa karanasang ito, nailuwal ang Maoismo. Ang Maoismo ay isang igpaw sa ating syentipikong pagkaunawa sa kung paano gumawa ng rebolusyon.

Ang Mataas na Gastusin sa Ikatlong Daigdig

Isinulat ni Kasamang Serve the People ang mga pangungusap na ito bilang tugon sa isang First Worldista na nagsabi, nang walang katibayan, na ang pagkakaiba ng sahod sa pagitan ng US at Ghana ay dahil sa pagkakaiba sa gastusin sa pamumuhay. Gaya ng ipinakita ni Kasamang Serve the People, ang gastusin sa pamumuhay sa Ghana, at sa Ikatlong Daigdig pangkabuuan, ay talagang mas mataas at hindi maaaring pangatwiranan ang maliliit na pasahod doon. Nabubuhay ang mga bansa sa Unang Daigdig sa kapinsalaan ng Ikatlong Daigdig; kinakain nila ang laman at sinisipsip nila ang dugo ng masa ng Ikatlong Daigdig.