Mabilisang tingin sa ilang pagkakamali ni Mao
Si Mao Zedong ang pinakadakilang rebolusyonaryo ng nakaraang siglo. Pinangunahan ni Mao ang sangkapat ng daigdig sa pagtatapon ng mga kadena ng imperyalismo, pyudalismo at kapitalismo. “Ang Tsina ay tumindig,” inihayag niya mula sa paanan ng Tian’anmen. Sangkapat ng populasyon ng daigdig ay ipinagkatiwala ang lahat sa rebolusyon ni Mao, upang magtayo ng isang bagong daigdig na walang pang-aapi. Mula sa karanasang ito, nailuwal ang Maoismo. Ang Maoismo ay isang igpaw sa ating syentipikong pagkaunawa sa kung paano gumawa ng rebolusyon.