Ang Mataas na Gastusin sa Ikatlong Daigdig

Ang mataas na gastusin sa pamumuhay sa Ikatlong Daigdig

Serve the People
2 Disyembre 2005
LLCO.org

Isinulat ni Kasamang Serve the People ang mga pangungusap na ito bilang tugon sa isang First Worldista na nagsabi, nang walang katibayan, na ang pagkakaiba ng sahod sa pagitan ng US at Ghana ay dahil sa pagkakaiba sa gastusin sa pamumuhay. Gaya ng ipinakita ni Kasamang Serve the People, ang gastusin sa pamumuhay sa Ghana, at sa Ikatlong Daigdig pangkabuuan, ay talagang mas mataas at hindi maaaring pangatwiranan ang maliliit na pasahod doon. Nabubuhay ang mga bansa sa Unang Daigdig sa kapinsalaan ng Ikatlong Daigdig; kinakain nila ang laman at sinisipsip nila ang dugo ng masa ng Ikatlong Daigdig.

Noong isinulat ang artikulong ito, ang pinakamababang pasahod sa loob ng US ay $5.15 kada oras. As of 2011, iyan ay $7.25 kada oras. Maraming estado sa US ang nagtatakda ng mas mataas na pinakamababang pasahod, sing-taas ng $8.67 kada oras. Ang sumusunod na teksto na bahagyang inayos ay unang inihayag sa irtr.info ni Serve the People noong Disyembre 2, 2005:

O siya, tignan natin ang mataas na gastusin sa pamumuhay sa Ghana. Heto ang listahan ng mga presyo (luma na ng isang buwan o dalawa) sa cedis:

http://www.ghanaweb.com/GhanaHomePage/economy/market.prices.php

Ang ilan sa mga presyong ito ay mahirap gamitin dahil ito ay ginagamit sa malabong yunit tulad ng “bayong” o “malaking bayong,” at kulang ng maraming presyo. At saka, ang ilan sa mga kalakal ay mga bagay-bagay sa Ghana na hindi ko kailanman narinig. Gayunman, mayroon tayong mapapakinabangang impormasyon. Kinonvert ko sila sa US dollars gamit ang kasalukuyang halaga ng palitan na 1000 cedis = $0.11.

Una sa lahat, ang pinakamababang pasahod ay 13,500 cedis kada araw. Iyan ay US$1.48. Sa kada oras, iyan ay $0.19 sa isang oras para sa isang 8-hour day. Ikumpara ito sa pinakamababa na $5.15 sa isang oras (mas malaki pa sa ilang lungsod at estado) sa loob ng US.

Ang isang buhay na manok (broiler) ay nagkakahalaga ng 60,000 cedis ($6.58). Mas mura ito sa US, kung saan ang isang pinrosesong manok ay nagkakahalaga ng mababa pa sa $5 (at kahit ang isang litsong manok ay hindi aabot sa presyong $6.58). Ang manggagawang tumatanggap ng pinakamababang sahod sa US ay mabibili ang manok na iyan ng hindi aabot sa isang oras. Sa Ghana, ang isa ay kailangang magtrabaho ng 4 na araw at kalahati para mabili lamang ito.

Ang isang bote ng beer (“Club”), 1 litro, ay nagkakahalaga ng 8,000 cedis ($0.88). Ang isang maikukumpara na produkto ay 3 beses na higit pa sa loob ng US. Pero ikinukumpara natin ang kalahating oras sa lima.

Nabanggit mo ang tinapay. Ang pinakahuling presyo na ibinigay sa site na iyon ay 6,000-10,000 cedis noong 2003, kung kailan ang halaga ng palitan ay nasa 8,500 cedis kada dolyar ng US. Ipalagay na ang isang buong piraso ng tinapay ay magkapareho sa presyo, $1 (9,100 cedis sa kasalukuyang palitan), ngayon. Sa loob ng US, ito ay dalawang beses na higit pa para sa isang tinapay na maganda ang kalidad. Ang manggagawang US ay kumikita ng 2.6 loaves sa isang oras. Sa Ghana, mga 2/3 ng loaf sa isang araw.

Sinasabi ng artikulong ito na ang isang disenteng tanghalian sa isang “chop bar” ay nagkakahalaga ng 30,000 cedis ($3.30), kung saan ay dalawang beses na higit pa sa pinakamababang pasahod sa buong araw. Sinasabi nito na hindi makakayanan ng sinuman ang mangupahan ng isang kuwarto (hindi isang apartment, isang kuwarto) at kumain sa ganung kababang sahod. Ang may akda ay tumatawag para sa pagtataas ng pinakamababang pasahod hanggang sa 25,000 cedis kada araw, kung saan ay hindi pa rin magkakasya para sa pananghalian sa isang chop bar. Ang isang manggagawang US ay makakakain ng masarap na hapunan sa isang magargong restawrant para sa kanyang sahod sa isang araw na $41.20.

Nagrerefer ang artikulong ito sa presyo ng gasolina at sa pinakamababang pasahod sa Ghana at sa US:

http://www.ghanaweb.com/GhanaHomePage/features/artikel.php?ID=79434

Ang isang galon ng gas ay nagkakahalaga ng 30,000 cedis ($3.36). Sa loob ng US ito ay $2.25 (20,250 cedi), pero gagawin ko na iyang $2.70 (24,300 cedis) dahil ang Ghana ay gumagamit ng imperial gallons, na mas malaki ng 20% kaysa sa US gallons. Ang isang manggagawang US ay mabibili ang galon ng gas na iyan sa kalahating oras. Ang isang manggagawang Ghanaian ay kailangang magtrabaho ng higit sa 2 araw para mabili ito.

Heto ang isang publikasyong Kristyano mula sa Kanluran na pinag-uusapan ang kondisyon ng pamumuhay sa Ghana at ang gastusin sa pamumuhay:

http://gnmagazine.org/issues/gn36/livemonth.htm

Nagsasabi ito na ang renta ay nasa presyong $7/buwan. Mukhang mumurahin? Ito’y para sa isang kuwarto sa lumang gusali na giba-giba. Ang kusina at ang banyo ay komunal. Madalas kahit ang kuwarto mismo ay pinagsasamahan. Ang gayong pabahay ay malabong matagpuan sa loob ng US (at pusta ko ang kalagayan ng gusaling iyan sa Ghana ay sapat para ito ay kondenahin sa US), pero ikumpara natin ang pabahay bilang porsyento ng sahod. Iyan ang natatamo ng isang Ghanian na kumikita ng karaniwan para sa 30% ng kanyang sahod. Ang isang manggagawang US na gumagastos ng 30% ng pinakamababang pasahod sa upa ay mayroong $265, na sapat para umupa ng isang disenteng apartment na may mga kasambahay sa maraming lugar. At saka, ang pagbabayad lamang ng matrikula (kahit sa pampublikong paaralan) para sa isang bata ay nagkakahalaga ng $6, o 25% ng pangkaraniwang kinikita ng isang Ghanaian. Ang matrikula sa pampublikong paaralan ay libre sa US.

Kaya ko pang ipagpatuloy. Gumugol na ako ng maraming oras para rito. Pero hindi mo ba nakikita na ang gastusin sa pamumuhay sa Ghana ay hindi mababa kaysa sa US? Siguro may ilang bagay na mas mura sa Ghana. Pero ang panahon na kailangang gugulin para kitain iyon ay mas matagal. At hindi pa natin napag-uusapan ang gastusin sa mga bagay na madaling nabibili ng mga tao sa US. Nabanggit ng site ang 10,000,000 cedis ($1100) para sa isang Samsung air conditioner. Hindi ko alam kung anong klase ng air conditioner ang ibig sabihin nila, pero ipagpalagay na ito’y isang maliit na window unit, ang tipong nagkakahalaga ng $200 sa loob ng US. Ang presyong Ghanaian ay mas mahal kaysa sa presyong US. Sa kahit anong sitwasyon, ipusta mo na hindi ibinibenta ng Koreanong manufacturer ang mga air conditioner na iyon sa Ghana ng mas mura kaysa sa umiiral na antas.

Leave a Reply