
Ang Aming Pinaglalaban
1. Gusto namin ng komunismo. Gusto namin ng mundong walang kahirapan, pagsasamantala, pang-aapi, paninira sa kalikasan, at pampulitikal na hadlang na naghihiwa-hiwalay ng mga tao. Gusto namin ng mundo kung saan ang produksyon ay pinamamahalaan ng lahat at sa agham na pamamaraan upang ito’y makapagbigay ng pantay-pantay na benepisyo sa lahat ng tao habang isinasailalim sa rehabilitasyon ang ating likas na kalikasan. Gusto namin ng pandaigdigang lipunan kung saan ang patnubay sa produksyon ay “sa bawat isa ayon sa kakayahan” at ang patnubay sa pamamahagi at “para sa isa ayon sa pangangailangan”.
2. Gusto namin ng tuluy-tuloy na rebolusyon mula sa Bagong Sosyalismo patungong Komunismo. Ang transisyonal na yugto ng Bagong Sosyalismo ay hindi magiging isang tuwid na linya. Ang Bagong Sosyalismo ay nagsasabing ang pagkakatatag nito ay malamang na magsisimulang kalat-kalat at hiwa-hiwalay sa Proletaryong Mundo. Ang mga produktibong pwersa, relasyon sa lipunan, at kulturang matagal nang nakatatag na nanatili sa ilalim ng Bagong Sosyalismo ang magsisilbing basehang panlipunan para sa isang bagong burgesyang antas na lilitaw … kahit na ang bagong burges na klase ay magsasabing itaguyod ang Komunismo. Sa pamamagitan lamang ng maraming Proletaryong Rebolusyon sa Kultura maaaring mapanatili ng proletaryado ang kanilang diktadura sa mga elemento ng burges na di-maiiwasang magkaroon sa loob ng mga Bagong Sosyalistang pamahalaan. Ang Bagong Kultura ay nagpapanatili ng pagsulong ng proletaryado patungo sa Komunismo sa ilalim ng Bagong Sosyalismo.
3. Nais namin ng Bagong Sosyalismo sa isang pandaigdigang antas — ang Diktadura ng Proletaryado sa ika-21 siglo. Ang tagumpay ng Digmaang Bayan ay maaaring humantong sa isang anti-imperyalistang alyansa ng mga ibat-ibang klase upang ibagsak ang mga neokolonyal na lumang kapangyarihan sa buong Proletaryong Mundo, ngunit magkakaroon ng kaunting buwelo patungo sa komunismo na walang proletaryong diktatura ng Bagong Sosyalista, na humahantong sa rebolusyonaryong agham ng Leading Light Communism. Ang mga Bagong Sosyalistang pamahalaan ay dapat magkaisa at magtatag ng kanilang impluwensya, hindi lamang sa mga natalong neokolonyal na umaasa sa burges na mundo, kundi sa burges na mundo sa kabuuan. Dapat ipataw ng Proletaryong Mundo ang diktadura nito sa Burgesyang Mundo, nais man ito ng Burgesyang Mundo o hindi.
4. Nais namin ang isang Pandaigdigang Nagkakaisang Labanan laban sa Burgesyang Mundo at mga neokolonyal na kinatawan nito. Ang bagong kapangyarihan ng Leading Light at ang mga Hukbong Bayan nito ay papanig sa lahat ng pwersa na ibabaling ang kanilang mga hukbo sa pangunahing kaaway, ang Burgesyang Mundo. Kasabay nito, hindi lilipulin ng Leading Light ang sarili nito sa Pandaigdigang Nagkakaisang Labanan na ito, higit na mabuti ay bibigyan nila ito ng malay na pamumuno.
5. Gusto natin ng Pandaigdigang Digmaang Bayan ng Proletaryong Mundo na talunin ang Burgesyang Mundo at ang mga neokolonyal na kinatawan nito. Ang Digmaang Bayan ng Leading Light ay isang Digmaan ng Kilusan upang pabagsakin ang mga lumang kapangyarihan at upang palawakin at palalimin ang Bagong Kapangyarihan ng mga tao, hindi upang magkaunawaan para sa isang upuan sa neokolonyal na hapag. Ang mga Digmaang Bayan sa Proletaryong Daigdig ay bahagi ng Pandaigdigang Digmaang Bayan, at ang mga lumilitaw na bagong sosyalistang mga bansa na pinangungunahan ng Leading Light ay ang mga pangunahing base ng Pandaigdigang Digmaang Pantao.
6. Nais namin ng Hukbong Bayan. “Kung walang Hukbong Bayan, walang kahit ano ang tao”. Ang Hukbong Bayan ang magtatanggol at magpapalawak ng Bagong Lakas hanggang sa pagkakapanalo ng paunang tagumpay – ang pagkakataguyod ng Bagong Sosyalismong pamahalaan. Ang tungkulin ng Hukbong Bayan ay hindi lamang pang-militar, kasama rin sila ng tao sa gawaing produksyon at kultural, gumaganap ng mahalagang papel sa paglikha ng rebolusyon sa yugto ng Digmaan ng Posisyon. Ang Hukbong Bayan ay manggagaling sa masa mismo, sapagkat sila ay kapanalig na ng Leading Light Communism sa pamamagitan ng edukasyong politikal at programa ng Bagong Lakas.
7. Nais naming lumikha ng Bagong Lakas, ang pundasyon ng Bagong Sosyalismo patungong Komunismo. Dapat tayong bumuo ng modelong pamahalaan — mayroong sakahan, imprastraktura, klinika, paaralan, pagtitipon at hukuman ng tao, atbp. Itinatayo namin itong programang Pagsilbihan ang Tao bilang kapalit sa mga umiiral nang neokolonyal na institusyong nananaig sa Proletaryong Mundo habang pinagtatrabahuhan natin ang pagpapabagsak sa mga neokolonyal na pamahalaan. Hindi namin inaasahan ang masa na ipagtanggol at ipaglaban ang Komunismo kung hindi mangunguna at magsasakripisyo ang Leading Light Communist.
8. Nais namin ang pulitika ng Leading Light Communism na mamahala. Hindi namin minimithing maging mas madali ng kaunti para sa mga tao ng mundo katulad ng ginagawa ng mga NGO na ang pinaglilingkuran ay ang imperial na kapital. Naglalayon kaming pabagsakin ang pandaigdigang kapitalistang sistema at tanggalin sa planeta ang pundasyon nito mula sa pinakaugat. Dahil dito, kailangan naming maglaan ng pondo para sa LLCO, maghanap ng bagong kasama, ipakalat ang aming mensahe, at patuloy na ipaglaban ang tamang rebolusyon.